Nabawi ng Ukrainian forces ang ilan pang mga village sa north at northeast ng kabisera ng Kharkiv mula sa Russian troops.
Sa nakalipas na araw, inihayag ng Ukrainian forces na nabawi nila ang apat na lugar sa north ng kahrkiv na second largest city ng Ukraine.
Sinabi ni President Volodymyr Zelensky na ang tagumpay ng Ukrainian forces ay unti-unting nagtataboy sa Russian forces palabas ng Kharkiv sa northeast Ukraine na nakakaranas ng walang humpay na pambobomba mula ng sumiklab ang giyera.
Sa inilabas namang impormasyon mula sa US intelligence official na si Director of National Intelligence Avril Haines na nasa stalemate aniya ang giyera sa Ukraine kung saan nakikitang naghahanda si Russian President Vladimir Putin para sa isang long conflict at ang panalo ng Russia sa eastern Donbas region ng Ukraine ay posibleng hindi pa katapusan ng giyera.
Subalit ang counterattack aniya malapit sa Kharkiv ay sinyales ng panibagong yugto ng opensiba.