-- Advertisements --

Magdadala ng maulap na papawirin at mga mahihinang pag-ulan ang umiiral na northeasterly wind flow at Intertropical Convergence Zone sa ilang bahagi ng Northern Luzon at Mindanao.

Ayon sa state weather bureau, halos parehong panahon rin ang mararanasan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa Amihan.

Magiging sanhi rin ito ng pagkakaroon ng bahagyang maulap na papawirin sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley.

Intertropical Convergence Zone naman ang magiging sanhi ng mahinang pag-ulan at thunderstorms sa Davao Region, Soccsksargen, Surigao del Sur, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Ayon sa state weather bureau , posible ang mga insidente ng pag-ulan at pagguho ng lupa dahil sa moderate hanggang heavy rainfall na sanhi ng ITZC kayat pinag-iingat nito ang publiko .

Asahan naman ang bahagyang maulap na kalangitan at paminsan-minsang pag-ulan dahil sa easterlies sa nalalabing bahagi ng bansa.