-- Advertisements --

Iniulat ng state weather bureau na magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan ang ilang weather system sa bansa.

Partikular na maaapektuhan ng umiiral na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang southern na bahagi ng Mindanao.

Ayon sa ahensya, ang nalalahing bahagi ng bansa ay maaaring maapektuhan ng umiiral na Easterlies.

Ngayong araw, asahan na ang maulap na kalangitan hanggang sa mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Davao Region, Sarangani, South Cotabato, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi dahil sa ITCZ.

Possible rin ang insidente ng flash flood at landslide lalo na sa mga bulnerableng lugar kaya pinag iingat ang publiko.

Bahagyang magiging maulap rin ang nalalabing bahagi ng Mindanao dahil sa parehong weather system.

Dito sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap at asahan ang isolated rain showers dulot ng easterlies.