-- Advertisements --

Nagpaabot din ng pagbati ang ilang World leaders kay US President Donald Trump kasabay ng kaniyang inagurasyon bilang ika-47 Pangulo ng Amerika.

Sa ibinahaging video message sa X account, pinuri ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang mahusay na alyansa sa pagitan ng Israel at US at umaasa na sa ilalim ng liderato ni Trump, darating na o makakamtan ang mga magagandang araw ng kanilang buhay.

Naniniwala din si PM Netanyahu na sa mapapahusay pa ang alyansa ng Amerika at Israel sa ilalim ng administrasyon ni Trump.

Nagpaabot din ng pagbati si British PM Keir Starmer kay Trump at inilahad ang espesyal at matagal ng relasyon ng Amerika sa United Kingdom.

Sa video message naman ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky, sinabi nito na ang panibagong pamumuno ni Trump ay nagbibigay ng pagkakataon para sa tunay na kapayapaan at inihayag ang kahandaan ng Ukrainians na makipagtulungan sa Americans para makamit ito.

Maaalala, ipinangako ni Trump noon sa kaniyang kampaniya na wawaksan niya ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia sa loob lamang ng isang araw.