-- Advertisements --
image 50

Inaasahang dadalo ang ilang world leaders sa paghatid sa huling hantungan ng yumaong Pope Benedict XVI ngayong araw.

Kabilang dito sina King Philip ng United kingdom at Queen Sofia ng Spain kasama ang mga official delegations mula Germany at Ireland.

Inaasahan ding magpapadala ng ilang kinatawan ang lahat ng Catholic royal families sa funeral ng yumaong Santo Papa.

Magsisimula ang funeral ng yumaong Pope Emeritus sa Vatican city ngayong araw, alas9:30 ng umaga sa Roma o alas4:30 ng hapon oras dito sa Pilipinas.

Dakong alas-7 ng gabi nitong miyerkules, nang isara na sa publiko ang lamay para kay Pope Benedict XVI.

Inilagak ng Vatican officials ang labi ni Pope Benedict sa isang coffin na gawa sa cypress wood para sa public funeral ngayong araw.

Dadalhin ang kabaong ng Santo Papa sa harapan ng St. Peter’s para sa isasagawang public mass kung saan libu-libo ang inaasahang dadalo sa funeral.

Ilalagay din sa kabaong ang commemorative medals at coins na iginawad kay Pope Benedict, ito ay account ng kaniyang paninilbihan bilang Santo Papa na nakasulat sa Latin kasama ang kaniyang pallium stoles na damit na lana na isinusuot sa leeg ng pontiff upang simbolo ng kanilang mga tungkulin bilang mga pastol ng kanilang mga kawan.

Ililibing ang labi ng Santo Papa alinsunod sa kaniyang kahilingan sa may grottos sa ilalim ng Basilica.