-- Advertisements --
image 133

Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na may ilang world leaders ang nagtanong sa kaniya para malaman ang sekreto ng Marcos administration sa mabilis na pagbangon mula sa epekto ng pandemya.

Ang naturang tagpo umano ay nangyari sa pag-uusap nila ng ilang pinuno ng mga bansa sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit 2022 sa Cambodia.

Hindi na binanggit ng pangulo kung sinu-sino ang mga ito, ngunit humahanga umano sa mabilis na paglago ng ekonomiya.

Una rito, binati ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh si Pangulong Marcos sa epektibo umanong COVID response at pagkamit ng highest gross domestic product (GDP) growth rate sa Asia.

“I wish to send my congratulations to the people of the Philippines for containing the COVID-19 pandemic and sustaining a high growth rate of GDP,” wika ni Prime Minister Chinh.

Matatandaang naitala ng bansa ang 7.6% na gross domestic product (GDP), na sumasalamin sa magandang takbo ng ating ekonomiya.

Pero sabi ng punong ehekutibo, hindi siya henyo sa ekonomiya, kundi resulta lamang ito ng pagtutulungan ng 107 million na work force ng Pilipinas, kung saan mahuhusay ang mga ito sa pagtatrabaho at may diskarteng hindi matatawaran.