-- Advertisements --
canada PM
Canadian Prime Minister Justin Trudeau

Umani nang pagkagulat sa ilang world leaders ang nangyaring kaguluhan sa Washington DC lalo na sa joint session ng US Congress nang okupahan ang US Capitol ng mga protesters.

Ayon kay Canadian Prime Minister Justin Trudeau, labis nilang ikinabahala ang pag-atake sa demokrasya ng Amerika. Pero ang karahasan kailanman ay hindi raw magtatagumpay.

“Canadians are deeply disturbed and saddened by the attack on democracy in the United States, our closest ally and neighbour. Violence will never succeed in overruling the will of the people. Democracy in the US must be upheld – and it will be.”

Sa United Kingdom, mariin namang kinondena ni Boris Johnson ang naganap sa US.

Dapat tiyakin daw ang “peaceful transition of power” tungo kay President-elect Joe Biden.

“Disgraceful scenes in U.S. Congress. The United States stands for democracy around the world and it is now vital that there should be a peaceful and orderly transfer of power.”

France

Sa kanya namang video message, inilarawan ni French President Emmanuel Macron ang naganap na gulo na hindi ito ang tunay na Amerika. Pero kumpiyansa siya na mamamayani pa rin ang tibay ng demokrasya ng Estados Unidos.

Tinawag naman ni Australian Prime Minister Scott Morrison ang pangyayari sa Washington DC bilang “terrible” at nakakadismaya.

Dahil dito magpapatupad daw sila ng mga pagbabago sa travel advisory.

“Very distressing scenes at the US Congress. We condemn these acts of violence and look forward to a peaceful transfer of Government to the newly elected administration in the great American democratic tradition.”

Kapwa rin naman ikinalungkot nina UN Secretary General Antonio Guterres
at UN president ng General Assembly Volkan Bozkir ang pag-atake sa US Congress.

“As President of the UN General Assembly,I’m saddened & concerned by today’s developments at the Capitol in #WashingtonDC.The US is one of the world’s major democracies. I believe that peace & respect for democratic processes will prevail in our host country at this critical time.”

Anila, ang Estados Unidos ang itinuring na “world’s major democracies” kaya naman umaasa sila na sana igalang ang proseso ng demokrasya.

INDIA MODI

Si German foreign minister Heiko Maas ay nanawagan naman sa mga supporters ni Trump na tanggapin na lamang ang desisyon ng mga botante sa panalo ni Mike Pence.

Maging si Indian Prime Minister Narendra Modi, ay ikinagulat din ang mga tanawin na karahasan kaninang umaga sa Washington DC.

Kasabay nito, nanawagan siya na dapat ipatupad ang peaceful at “orderly
transfer of power” para mamayani ang demokrasya.

Umaasa rin naman si Katsunobu Kato, ang Japanese Chief Cabinet Secretary na seryoso silang nangamba sa pangyayari at hangad nila ang kapayapaan sa malapit nilang kaalyado na Amerika.

Hangad naman ni Spanish Prime Minister Pedro Sanchez na ang susunod na bagong pamahalaan ni President-elect Joe Biden ang magsilbing tulay sa pagkakaisa ng mamamayan ng Amerika.

Si New Zealand Foreign Minister Nanaia Mahuta ay ikinalungkot din ang pangyayari sa US kasabay din ng pag-asa para sa peaceful transition of power.

UN GEN ASS

“Violence has no place in thwarting democracy,” pahayag niya sa Twitter. “We look forward to the peaceful transition of the political administration, which is the hallmark of democracy.”

Hindi rin naman naitago ni NATO chief Jens Stoltenberg ang pagka-shock sa pangyayari.

“Shocking scenes in Washington, DC,” ayon sa post ni Stoltenberg. “The outcome of this democratic election must be respected.”