-- Advertisements --

Sinalakay ng mga pulisya ang isang ilegal na indoor firing range area sa Bulacan matapos ang impormasyon mula sa kanyang kapitbahay.

Dahil dito naaresto ng mga otoridad ang naturang seller ng baril at ikunustudiya na ito.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang naturang lugar o property ay pag aari ng isang dating security officer ng isang Chinese.

Nabawi sa suspect amg ilang baril at bala matapos ang isinagawang operasyon.

Mahaharap naman sa kaukulang kaso ang suspect sakaling matukoy na walang lisensya ang mga pag aari nitong baril.

Nagpaalala rin ang Philippine National Police na huwag basta basta magtayo ng firing range lalo na kung hindi ito rehistrado.