Mariing kinondena ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman Senador Francis Tolentino ang ilegal na okupasyon ng China Coast Guard sa Sandy Cay.
Ayon kay Tolentino, ang iligal na pag-agaw ng China Coast Guard sa Sandy Cay 1 ay isang malinaw na paglapastangan sa sobreranya ng Pilipinas.
Aniya, ang Sandy Cay ay nasa loob ng ating teritoryal na karagatan – walang dudang bahagi ng ating bansa ayon sa batas internasyonal.
Giit ni Tolentino, ang mga ganitong pang-aabuso ay hindi dapat palampasin.
Kinakailangan aniyang maghain ng pinakamalakas na diplomatikong protesta at palakasin ang ating depensa sa West Philippine Sea.
Dagdag ng senador, bilang isang malayang bayan, hindi dapat hayaan na pabayaan na yurakan ang ating karapatan at dangal.