-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO -Nakatanggap ng ulat si Mindanao Development Authority (MinDa) Secretary Emmanuel “Manny” Piñol mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa pagkatuklas ng ilegal na pagmimina at pamumutol ng kahoy sa loob ng Mount Apo Protected Area sa Barangay Don Panaca Magpet North Cotabato.

Sangkot umano ang mga lokal na opisyal na protektado ng mga sundalo sa pagmimina at pamumutol ng kahoy natitirang kagubatan ng Mindanao.

Hekta-hektaryang kagubatan kung saan pinutol ang mga malalaking punong kahoy sa paanan ng Mount Apo ay tinaniman na ngayon ng saging (cavendish).

Inatasan ni Piñol ang mga kawani ng MinDa na makipag-ugnayan sa DENR’s Mines and Geosciences Bureau sa malalimang imbestigasyon sa illegal mining at pamumutol ng kahoy sa bayan ng Magpet.

Ang ulat ay isusumite agad kay pangulong Rodrigo Duterte para matigil na ang ilegal na pagmimina at pamumutol ng kahoy sa Mt. Apo Forest Reserves.