Ipinag-utos ng Department of Migrant Workers ang pagpapasara sa ilegal na recruitment firm na nagpapanggap na isang travel agency sa Mandaluyong City.
Naaresto rin ang mga otoridad ang dalawang babae na empleyado ng Thrifty International Travel and Tours Inc. matapos ang isinagawang operasyon ng DMW- Migrant Workers Protection Bureau at Mandaluyong PNP.
Nabatid na nagaalok ito ng trabaho sa bansang Japan sa kanilang mga aplikante.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nangagako ito ng buwanang sweldo na P60,000 habang naniningil ng 120k na processing fee para sa mga nais makapagtrabaho sa Japan.
Maliban dito ay nag-aalok rin ang naturang recruitment firm ng trabahong construction worker sa parehong bansa at naniningil ng 150k.
Tiniyak naman ng DMW na patuloy ang kanilang mga isasagawang operasyon para masawata ang ganitong uri ng mga ilegal na aktibidad.