Ang iligal at mga delikadong aksiyon ng China sa bahagi ng West Philippine Sea ang isa sa mga paksa na tinalakay sa trilateral phone call meeting nina Pang. Ferdinand Marcos Jr., Japanese Prime Minister Ishiba Shigeru at outgoing US Pres. Joe Biden.
Ito ay batay sa statement na inilabas ng White House matapos magpulong ang tatlong lider sa loob ng 25 minuto kaninang umaga.
Sa ngayon kasi lalong nagiging agresibo ang China partikular sa pagharap nito sa mga barko ng Pilipinas.
Sa pinakahuling aktibidad ng namataan ang monster ship ng China Coast Guard sa karagatan malapit sa Zambales na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ayon sa White House pinag-usapan ng tatlong lider kung paano palakasin pa trilateral maritimr security and economic cooperation.
Nagkasundo din sina Pang. Marcos, Ishiba at Biden na palakasin pa ang pakikipag-ugnayan upang masiguro ang malaya at bukas na Indo-Pacific region.
Sa nasabing pulong pinuri ni Biden si Pang. Marcos sa kaniyang matatag na paninindigan laban sa mga delikadong aksiyon ng China sa bahagi ng West Philippine Sea.
Patuloy namang naninindigan si Pang. Marcos na kailanman na hindi nito isusuko kahit isang pulgada ang teritoryo ng Pilipinas.
Sa kabilang dako, isang linggo na lamang mananatili sa pwesto si Biden dahil nakatakda ng mag assume bilang bagong Pangulo ng Amerika si President-elect Donald Trump sa January 20,2025.