-- Advertisements --

LAOAG CITY – Tagumpay ang mga otoridad sa pagaresto sa isinagawang drug buy-bust operation sa Barangay 2 dito sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ang subject ng operasyon na si Mr. Aldrich Anthony Rivera, nasa tamang edad, nagtatrabaho sa tindahan ng motorsiklo at residente sa Barangay 51, Nangalisan dito sa lungsod.

Hinuli ng mga pulis ang suspek matapos magtinda ng isang sachet na naglalaman umano ng shabu sa police poseur-buyer.

Nakumpiska rin sa kanya ang isa pang sachet na naglalaman rin umano na shabu, isang homemade caliber 38 revolver, P2,000 na nagamit sa operasyon, isang libong piso na personal na pera ni Rivera at apat na bala.

Samanatala, sinabi ni Police Major Carlo Abing, ang deputy chief of police dito sa lungsod ng Laoag na ang subject ng operasyon aysurenderee noong 2018 ngunit ipinagpatuloy umano nito ang kanyang iligal na aktibidad.

Sa kanilang monitoring kay Rivera, siya ay High Value Target dahil nag-oopera sa buong lalawigan.