-- Advertisements --

Binuwag ng mga kapulisan a Birmingham sa England ang iligal na pagsasagawa ng music event na dinaluhan ng mahigit 50 tao.

Ito umano ay dahil sa paglabag sa ipinapatupad na health protocols para maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon sa West Midland Police na kasalukuyan pa silang nasa pandemic at hindi nila kinokonsinti ang pagsasagawa pagtitipon.

Noong nakaraang weekend lamang ay mayroong 90 na reklamona lumabag sa coronavirus restrictions.

Mula pa noong nakaraang Biyernes aniya ay kanila ng pinatigil ang Norfolk forest na dinaluhan ng mahigit 500 katao.

Pinagbayad nila ang mga ito ng multa na aabot sa mahigit $13,400.