-- Advertisements --

Binabantayan ng Food and Drugs Administration (FDA) iligal na bentahan ng hindi rehistradong COVID-19 vaccine products sa lungsod Makati.

Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo, na ang nasabing mga bakuna umano ay may mga Chinese markings.

Agad aniya nilang pinuntahan ang nasabing pasilidad kung saan pinabulaanan naman ito ng nangangasiwa sa lugar.

Nangako naman ang mga ito na hindi na sila magbebenta at mag-administer ng mga hindi rehistradong bakuna.

Tiniyak din nito na patuloy ang kanilang ginagawang pagmamanman sa nasabing pasilidad para matiyak na hindi na sila nagbebenta ng nasabing hindi rehistradong bakuna.

Inamin naman ni Domingo na sa mga susunod na buwan ay magkakaroon ng clinical trials ang ilang possible na COVID-19 vaccines.

Ilan sa mga bakuna na nag-apply na sa FDA ay ang Sputnik V, Sinovac at Janssen.