-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Tuluyan nang iniligay sa state of calamity ang buong Iligan City dahil sa mataas na kaso ng dengue mula Enero hanggang Agosto ngayong taon.

Ito’y matapos nasa halos 2,000 na ang kaso ng dengue kung saan 15 rito ay binawian na ng buhay.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Iligan City information officer Joe Pantoja na naglaan sila ng P8 million upang mapagamit sa mga barangay na apektado ng mataas na kaso ng dengue.

Mismong si Iligan City Mayor Celso Regencia aniya ang humingi sa kanilang city council na isailalim sa state of calamity ang lungsod dahil sa sobrang taas na ng nasabing nakakamatay na sakit.

Pumapangalawa na ang Iligan City sa Cagayan de Oro City na mayroong mataas na fatalities dahil sa dengue nitong taon.

Nagtala rin ang Cagayan de Oro sa halos 2,000 dengue cases kung saan halos 20 na katao na ang nasawi.