Nanindigan si Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. na ang mga iligal na aktibidad ng China ang nagtulak sa Pilipinas upang depensahan ang sarili at panindigan ang mga karapatan nito.
Sa isang intenational forum na ginanap si US, natanong si Teodoro ukol sa nagpapatuloy na gitgitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Giit ng kalihim, pinipilit ng China na nakawin sa Pilipinas ang karapatan at soberanya ng bansa mula sa exclusive economic zone nito kung saan may ekslusibong karapatan ang Pilipinas.
Ayon sa kalihim, ang mga ginagawa ng China ay nagtutulak sa Pilipinas para depensahan ang sarili nito at igiit ang eksklusibong karapatan sa pinag-aagawang karagatan.
Wala aniyang ibang sisisihin kundi sila rin lang, dahil sa sila mismo ang nagsimula ng agresyon sa lugar.
Binigyang-diin din ng kalihim na maliban sa panggugulo ng China sa WPS, pinapasok din nito ang Pilipinas, pinipilit impluwensiyahan ang domestic economy ng bansa, at maging ang mga Pilipino na huwag pumanig sa kanilang mismong bansa.
Nitong nakalipas na lingo, muling hinarass ng China Coast Guard (CCG) at People’s Liberation Army-Navy ang Philippine Coast Guard vessel at maging ang mga Filipino resercher na nasa WPS.
Ginawa ang panghaharas sa magkahiwalay na insidente sa loob ng EEZ ng bansa.