Ibinasura ng Manila Prosecutors Office ang illegal assembly charges laban sa 10 Senatorial candidates ng Makabayan at 3 activists dahil sa kawalan ng ebidensiya para ipagpatuloy ang kaso.
Ang naturang kaso ay inihain ng Philippine National Police (PNP) noong Disyembre 17, 2024 na nag-akusa sa mga respondent ng paglabag umano sa Batas Pambansa Bilang 880 kung saan hindi umano nagsagawa ng mapayapang assembly at in-assault at hindi umano sumunod ang mga ito sa mga awtoridad sa kanilang inilunsad na protesta noong Bonifacio day noong Nov. 30 ng nakalipas na taon.
Pero nabigo umano ang complainants na magpresenta ng ebidensiya para patunayang hindi mapayapa ang protesta.
Wala din aniyang ebidensiya ang prosecutor na nagpapatunay na organizers ng naturang event ang 10 senatorial candidates at 3 activists.
Wala din aniyang katibayan ang umano’y injuries na natamo ng kapulisan. Nakasaad din sa resolution na kahit na inaasahan ang mass rally na mayroong isolated instances ng commotion, hindi aniya nangangahulugan na hindi na mapayapa ang kabuuan ng event.