Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong Chinese na lalaki na natagpuang nagtatrabaho sa isang quarry sa Batangas.
Naaresto ang nasabing mga tsino matapos ang isinagawang operasyon ng regional intelligence operations unit (RIOU) IV-A.
Ayon kay BI intelligence division Fortunato Manahan, Jr., ang kanilang pangunahing target ay kinilalang si Wang Zhenglai, 34 anyos.
Batay sa impormasyon, ipinitisyon ito para makapasok sa bansa ng isang pekeng kumpanya.
Gayunpaman, sa kanilang mga operasyon, nahuli nila ang anim na iba pa na napag-alamang ilegal na nagtatrabaho sa parehong lugar.
Bukod kay Wang, lima pang manggagawa ang napag-alamang nagtataglay ng 9(g) working visa, ngunit napetisyon ng mga kumpanyang matatagpuan sa Quezon City.
Ang isa ay natagpuang nagtatrabaho gamit lamang ang isang tourist visa.
Isa sa mga manggagawa, na kinilalang si Wang Shou Min, 67, ang sinasabing ‘big boss’ ng mining company, at ama ni Wang Zhenglai.
Muling namang iginiit ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang working visa ay parehong company-specific at station-specific.