DAVAO CITY – Patuloy pang inaalam ng mga otoridad kung sino ang nagmamay-ari sa bag na-iniwan sa baybayin na may lamang mga illegal na druga na tinatayang nagkakahala ng mahigit P300,000.
Batay sa police report, nadiskobre ang naturang mga illegal drugs sa baybayin ng Purok Talisay, Sitio Biao, Brgy Cogon, Digos City habang nagsasagawa ng joint coastal patrol ang mga tauhan ng Digos City Poilice station – Costal Police, CDEU at mga INTEL personnel
Laman ng inabandohang pulang back pack ang isang jumbo size na shabu na tinatayang may bigat na 37.7 grams at may estimated street value na P256,000.00, isa pang sacher ng pinaghihinalaang shabu na tyumitimbang na 10.9grams at may estimated street value na P74,120.00, 9 na Disposable Lighter, walong Improvised Weather Pipe Tooters, 7 ka Empty Plastic Containers, 3 ka susi na may keychain, Forty seven (47) pieces ng mga walang laman na anesthesia, 64 piraso ng walang laman na Plastic Sachets, at 1 Empty Glass Perfume.