Nagpasalamat ang Trump administration sa Mexico at iba pang bansa sa Central America dahil sa malaking ambag ng mga ito upang mabawasan ang mga illegal immigrants na naaaresto sa U.S.-Mexico boarder.
Batay sa huling tala, nabawasan ng 60% ang bilang ng kanilang mga nahuhuli.
Mainit na usapin din sa 2020 re-election campaign ni US President Donald Trump ang pagsusulong nito sa anti-immigration policy. Ayon kay Mark Morgan, acting commissioner ng U.S. Customs and Boarder Protection, 64,000 (anim na put apat na libong) katao ang nakakulong pa rin hanggang ngayon.
Sa kabila ng pasasalamat, hindi pa rin napigilan ni Trump na pag-initan ang federal judge dahil sa mahigpit nitong patakaran laban naman sa anti-asylum policy.
Makailang ulit na tinakot ng American president ang Mexico na papatawan ito ng mas mataas na buwis sa oras na hindi nito mapababa ang bilang ng mga illegal immigrants na nakakapasok sa Estados Unidos.