-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Timbog sa mga kamay ng mga otoridad ang isang illegal recruiter sa harap ng isang malaking mall sa Corrales Avenue, lungsod ng Cagayan de Oro.
Kinilala ang suspek na si Moises Nalon, 45, na residente ng Barangay Gusa.
Sinabi ni Cogon Police Station commander, PCpt. Ernersto Sanchez na nagpakikilala ang suspek na may koneksyon sa mga malalaking kumpanya sa lungsod at nag-aalok ng tulong sa pag post sa social media sa mga gustong makahanap ng trabaho kapalit ng pera.
Dahil umano sa reklamo ng mga biktima, agad ikinasa ang entrapment operation at matagumpay na nahuli ang target.
Nakatakdang sasampahan ng patong-patong na kaso ang naturang suspek.