ROXAS CITY – Nadakip sa isinagawang entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI-Capiz District) ang isang illegal recruiter sa isang resort sa Barangay Baybay, Roxas City.
Kinilala ang suspek na si Carrel Jhen Escobido, 44 taong gulang, call center agent at residente ng Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Agent John Katipunan, Executive Officer ng NBI-Capiz District, sinabi nito na personal na dumulog sa kanilang tanggapan ang 5 katao na pawang kamag-anak ng suspek para ireklamo ito dahil sa ginawang panloloko sa kanila.
Ba-se sa statement ng mga biktima, nagsimula ang transakyon nila kay Escobido noong Oktubre taong dalawang libo dalawamput isa kun saan pinangakuan sila ni Escobido ng trabaho sa isang kompanya sa South Africa at makakatanggap diumano ng malaking sahod na dolyares .
Agad naman silang nagtiwala dahil sa kamag-anak nila si Escobido at nagbigay $300 o katumbas ng P15,000 bilang processing fee, maliban pa dito, nagbigay din sila ng P17,000 para sa VISA processing.
Kaagad naman bineripeka ng NBI sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang legalidad ng kompanya at napag-alaman na hindi konektado si Escobido at hindi rin lisensyadong recruiter.
Naaresto ang suspek matapos tinanggap nito ang marked money na nagkakahalaga sa P31,000 galing sa dalawang agent na nagpanggap na mga aplikante.
Nahaharap sa patong-patong na kaso si Escobido kagaya ng illegal recruitment on large scale, multiple counts of estafa at paglabag sa RA 8042.
Ikinokonsidera ng NBI na ang pagsampa ng kasong paglabag sa Bayanihan Act dahil nangyari ang panloloko nito sa mga biktima noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Pahayag pa ni Katipunan, umabot sa 39 ang nabiktima ni Escobido na pawang resident eng probinsya ng Capiz at umabot din sa mahigit P2-M ang nakulimbat na pera nito.
Aminado naman ang suspek sa nagawang kasalanan ngunit walang balak ang mga biktima na i-atras ang kaso laban sa kanya.