-- Advertisements --

Isinagawa ngayong araw ng Department of Migrant Workers ang pagpapasara sa isang illegal recruitment agency na nakabase sa Pampanga.

Wala umano kasing lisensya ito na nagbibigay pahintulot na magsagawa ng operasyon upang makapang-recruit ng mga Pilipinong manggawa na nais magtrabaho abroad.

Kung saan natuklasan na ang ipinasarang illegal recruiter ay nag-aalok ng trabaho kasama ang pangakong pasahod sa Amerika na nagkakahalaga naman ng $3,344 o higit P190,000.

Napag-alamang din na target nitong biktimahin ang mga Pilipinong manggagawa na may karanasan o background sa aviation o aircraft mechanics.

Kaya naman iginiit ng kasalukuyang kalihim ng kagawaran na si Secretary Hans Leo Cacdac na hindi nila hahayaang magpatuloy ang mga ganitong iligal na gawain.

Ibinahagi niya na ang naturang illegal recruitment agency ay nagpapanggap umano bilang isang aviation consultancy.

Dahil dito pinaalalahan niya ang publiko, lalo na sa mga naghahanap ng trabaho na i-verify muna ang mga ahensiyang pinag-aapplyan kung nais nilang magtrabaho abroad upang hindi mabiktima ng panloloko.