-- Advertisements --
denr Siargao 3

BUTUAN CITY – Sinaksihan mismo nina Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu at Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año ang pag-demolish sa ilang istruktura
na lumabag sa environmental law ng bansa.

Bago ito nasa 391 na mga establishment sa Siargao Island ang natumbok ng Task Force Siargao.

Unang nasampulan ang Gabuntog function hall na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng General Luna sa Brgy. Poblacion 5 kung saan tumulong pa ang LGU employees sa pag-demolish sa parte ng resort na lumabag sa 25-meter easement zone.

May binaklas ding dining area ng isang private beach resort dahil malapit na ito sa baybayin.

Ayon kay DENR Caraga Regional Director Felix Alicer sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan ang ibang mga establisyemento ay may environmental compliance certificate ngunit ni–require na magkaroon ng final disposal facilities.

Binigyan sila ng tatlong buwang palugit matapos maisyuhan mg notice of violation at inatasang boluntaryong mag-demolish.

Sinasabing kung hindi susunod ang mga ito sa tamang patakaran ay sasampahan ng kasong paglabag sa Water Code of the Philippines.