Patuloy pa rin ang paghuli ng mga otoridad sa mga taong hinihinalang nasa likod ng laganap na pagkalat ng malalaswang imahe ng mga kababaihan sa South Korea.
Ito ay matapos maaresto ang dalawang lalaki na hinihinalang may koneksyon sa nasabing eskandalo kung saan sangkot din umano ang 42 hotel rooms sa halos 10 syudad sa bansa.
Karamihan sa mga hotel rooms na ito ay mga motel.
Isa ito sa pinaka seryosong usapin ngayon sa Korea matapos lumabas ang isyu ng mga korean artists na sangkot umano sa sex scandals at pagpapakalat ng mga maseselang video ng iba’t ibang babae.
Sa inilabas na pahayag ng Cyber Investigation Department, nasa 1,600 katao ang palihim na kinukuhanan ng litrato sa mga hotel rooms saka ito ipinapakalat sa internet.
Napag-alaman din na may mga customer na nagbabayad ng $44.95 o halos 2,000 pesos para lang magkaroon ng access at mapanood ang livestream ng mga videos na ito.
Nakatago umano ang mga spy cameras sa loob ng mga digital TV boxes, wall sockets at lagayan ng hairdryer kung saan maaaring mapanuod ang mga footage online.
Ayon pa sa mga ito, kumita ng halos $6,000 o 312,000 pesos ang website simula noong November 2018.
Hawak ang slogan na may katagang “My Life is Not Your Porn” nagsagawa ng protesta ang libo-libong kababaihan sa kalsada ng South Korea noong nakaraang taon bilang paghingi ng agarang aksyon upang matigil ang ganitong gawain.
Bilang tugon, naglunsad ang Seoul ng special squad of women inspectors na magsasagawa ng regular na inspeksyon sa halos 20,000 na pampublikong banyo upang maghanap ng mga spy camera.
Ngunit may iba namang kinondena ito at sinabing hindi ito ang mabisyang aksyon na dapat gawin.
Noong Enero ay pinatawan ng apat na taong pagkakakulong ang co-owner ng South Korean revenge porn site na Soranet at inutusang magbayad ng $1.26 million o higit kumulang 65 million pesos bilang pyansa.