LAOAG CITY – Hindi halos mailarawan ng Ilokana athlete na si Ms. Charmaine Cabugon mula sa Paoay Ilocos Norte at isa sa mga miembro ng National Team ng Phil. Canoe Kayak and Dragonboat Federation ang kanyang nararamdaman sa kanyang kauna-unahang pagkakataon na makasabak sa Southeast Asian Games sa Cambodia.
Ayon kay Cabugon, matinding pag-eensayo ang pinagdaanan ng kanilang team para madepensaan ang Pilipinas sa SEA games.
Samantala, sinabi nito na malaking tulong ang kanilang pag-eensayo sa iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas partikular sa Paoay Lake ditoy sa Ilocos Norte dahil parehas ang klima at galaw ng tubig sa Cambodia.
Dagdag nito na para mas maging matibay ang kanilang resistensya at lakas sa nalalapit nilang laban ay napapanatili ang kanilang maayos na nutrisyon.
Una rito, ipinaalam ni Cabugon na ilan sa kalaban nila bilang atleta ay ang pagiging estudyante ngunit lahat ng ito ay nadaan sa time management.
Nalaman na 28 na atleta ang bumubuo sa National Team ng Phil. Canoe Kayak and Dragonboat Federation.
Ipinaalam ni Cabugon na posibleng makilaban ang team ng Pilipinas sa Asian Games sa China.
Maliban kay Charmaine Cabugon ay meron din sana itong kasama na kapwa niya ilokano na si John Carl Cabugon ngunit nagkasakit ito dahilan upang hindi matuloy sa SEA games.
Todo suporta naman ang buong pamilya at paaralan ni Cabugon kasama na ng local government unit ng kanyang bayan sa Paoay at buong lalawigan ng Ilocos Norte.