LAOAG CITY – Ipinaabot ni Sec. Vivencio Dizon, deputy chief implementer, CODE team lead, ang mensahe ni Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na isa sa priority ang Ilocos Norte na mabigyan ng bakuna laban sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa ginanap na pulong sa Centennial Arena dito sa lungsod ng Laoag, sa pagsasalita ni Sec. Dizon, hinihingi ng Department of Health (DoH) sa Regional Inter Agency Task Force (IATF), Municipal Task Force (MTF) at lokal na gobyerno na tumulong para kumbinsihin ang publiko lalo na sa mga nagsisilbing frontliners, health care workers at mga otoridad na huwag matakot sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.
Aniya na ito ang pinakamainam na gawin para mawala ang nakakamatay na virus at hindi na maikalat pa sa iba.
Sinabi ni Sec. Dizon na sisiguraduhin ng DoH at Food and Drug Administration (FDA) na ligtas ang bakuna kahit nanggaling pa ito sa China, Russia, Estados Unidos o kahit sa Europa.