-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naabot ng Ilocos Norte ang ika-15 pwesto bilang Most Competitive Province ng 2021 Cities and Municipalities Competitiveness Index o CMCI Survey na isinagawa ng Department of Trade and Industry.

Mismong si Gob. Matthew Marcos Manotoc ang tumanggap ng “plaque of recognition” at “certificate” mula sa nasabing ahensya.

Ayon kay Manotoc, malaking pagkakakilanlan sa Ilocos Norte ang nasabing rekognisyon dahil naabot ng probinsya ang ika-15 mula sa 80 participants.
Aniya, maraming natalo ang probinsya at inaasaha nito na tataas ang pwesto ng Ilocos Norte sa mga susunod na tawen.

Iipnaliwang ni Manotoc na matapos naging sentro ang kalusugan ay susunod ang ekonomia, trabaho at “livelihood” sa mga susunoda na panahon.

Kaugnay nito, sinabi ng gobernador na makikipagpulong ito sa mga kasapi ng DTI para mapag-usapan ang mga susunod na hakbang ng probinsia sa mga programa nga ahensiya.