-- Advertisements --
LAOAG CITY – Aabot na sa 100 na kaso ng covid-19 ang narekord ng lalawigan ng Ilocos Norte.
Sa statement na inilabas ni Gov. Matthew Marcos Manotoc, ang ika-100 na kaso o ang IN-C100 ay 39-anyos na residente sa Barangay 18 sa bayan ng Piddig.
Isa itong APOR o kasapi ng Philippine National Police (PNP) at wala itong travel history.
Nabatid na sumailalim ito sa swab testing bilang requirement sa kanyang trabaho ngunit naging positibo ang resulta nito.
Sa ngayon ay hindi pa madetermina kung sino ang posibleng nakahawa sa kanya, na ngayon ay naka-quarantine na.
Base naman sa datos ng lokal na pamahalaan ng Ilocos Norte, mula sa 100 na kaso ay 37 ang aktibo, 62 ang gumaling at isa ang namatay.