-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nadagdagan ng apat ang bilang ng kaso ng covid-19 sa Ilocos Norte.

Base sa inilabas na statement ng gobierno probinsyal ng Ilocos Norte, ang mga bagong kaso ay pare-parehong residente ng Brgy. 23 sa siudad ng Laoag, partikular sa Sitio Dungtal.

Nakumpirma na si IN-C160 ay-12 anyos na lalaki at nakasalamuha ni IN-C142 at IN-C143 habang si IN-C161 ay 70-anyos na babae at nakasalamuha naman ni IN-C145.

Samantala, si IN-C162 ay 65-anyos na lalaki at si IN-C163 ay 17-anyos na babai, parehong nakasalamuha ni IN-C145.

Kaugnay nito, si IN-C160 at IN-C163 ay parehong asymptomatic at naka-isolate habang si IN-C161 at IN-C162 ay parehas naman na symptomatic kat kasalukuyang nasa ospital.