-- Advertisements --

LAOAG CITY – Malungkot na ibinalita ng Provincial Veterinarian Dr. Loida Valenzuela na may apat na naitala na kaso ng rubies sa Ilocos Norte.

Ayon kay Valenzuela, dalawa ang kinagat ng asong may rabies sa huling bahagi ng 2022 at dalawa naming kaso ngayong taon,

Nabatid na ang mga apat na kaso ay nagmula sa bayan ng Badoc at lungsod ng Batac.

Hinggil dito, isinasagawa na rin ng lungsod ng Batac ang “massive vaccination” laban sa rabies at may petsa na rin na itinakda ang bayan ng Badoc para sa nasabing aktibidad.

Sinabi nito na tinanggap pa ng mga ito ang partisipasyon sa isang animal industry sector para sa pagbabakuna.

Nagpasalamat naman ito sa mga pribado na tumutulong sa mga aktibidad ng Municipal/City/Provincial Veterinary Office.

Napag-alaman pa na ito ang dahilan kung kaya’t iminungkahi ni Gov. Matthew Marcos Manotoc ang “augmentation” a “counterpart strategy” o ang pagbili ng mga lokal na pamahalaan ng bakuna at bibili naman ang lalawigan ng dagdag na bakuna na kakailanganin.