-- Advertisements --
LAOAG CITY – Naalarma ang mga residente sa Ilocos Norte matapos tumama ang magnitude 5.8 na lindol pasado alas-10:00 kaninang umaga.
Ayon sa ilang residente na nakausap ng Bombo Radyo Laoag, nakaramdam sila ng matinding takot dahil nagkataon pa na umuulan sa malaking bahagi ng lalawigan.
Samantala, ilang minuto lamang matapos ang magnitude 5.8 na lindol ay naramdaman naman ang magnitude 3.5 na aftershock.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na asahan pa ang mga aftershocks subalit hindi ito magdudulot ng pinsala.