-- Advertisements --

Binulabog ng magnitude 5.3 na lindol ang ilang bahagi ng Ilocos Region dakong alas-3:46 ng madaling araw.

Sa datos mula sa Phivolcs, naitala ang sentro ng pagyanig sa 52 kms hilagang kanluran ng bayan ng Burgos, Ilocos Norte.

May lalim itong 22 kms at tectonic ang pinagmulan.

Naramdaman ang intensity 4 sa Laoag, Ilocos Norte; habang intensity 3 naman sa Badoc, Ilocos Norte; Bantay, Magsingal, San Ildefonso, Santo Domingo, Sinait at Vigan, Ilocos Sur.

Nagtala naman ng instrumental intensity 4 sa Pasuquin, Ilocos Norte; habang intensity 3 naman sa lungsod ng Vigan, at bayan ng Gonzaga, Cagayan.