-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang bayan sa Ilocos Norte nitong madaling araw ng Miyerkules.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) tumama ang sentro ng lindol sa bayan ng Bangui sa oras ng 2:54am.
Tectonic in origin ang pinagmulan ng lindol na may lalim ng 10 kilometro.
Naramdaman ang intensity 4 sa bayan ng Sinait, Ilocos Sur.
Patuloy ang ginagawang assesment ng mga otoridad kung mayroong mga naitalang damyos dahil sa nasabing lindol.