-- Advertisements --

LAOAG CITY – Ipinaalam ni PMaj. Jephre Taccad, ang tagapagsalita ng Ilocos Norte Police Provincial Office na mahigpit ang koordinasyon ni Provincial Director Police Col. Julius Suriben sa mga Local officias dito sa probinsya.

Ayon kay Taccad, hakbang nito ni Suriben matapos maitala ang sunod-sunod na pagpaslang sa mga lokal na opisyal sa ilang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Taccad na bumibisita ang provincial director sa mga local mayors ng bawat bayan sa Ilocos Norte upang malaman kung nakakatanggap ang mga ito nga death threat o anumang klase nag pananakot kapalit ng kanilang buhay.

Maliban sa mga alkade, ipinaalam ni Taccad na inaasahan din ang pagbisita ni provincial director Suriben sa mga konsehal ng bayan kasama ng mga barangay captains upang malaman kug may kailangang dagdag na seguridad ang mga ito.

Kaugnay nito, hiniling ni Taccad sa mga opisyal kasam ng mga kapulisan n aagad na magreport sa Provincial Office kung may mga natatangap ang mga ito na banta.