LAOAG CITY – Pinirmahan na ni Governor Matthew Marcos-Manotoc ang Executive Order (EO) 65-20 para mailagay sa total lockdown ang Ilocos Norte dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.
Nakapaloob sa EO na walang sinomang indibidwal na papayagang makapasok sa lalawigan.
Hindi naman kasama rito ang mga may official duties, gayundin ang accredited health workers, at ang peace and order personnel.
Limitado na rin ang delivery at cargo, habang may opisyal na otorisado ang gobernador mula alas-5:00 ng madaling araw hanggang alas-8:00 ng gabi.
Sinabi pa ng gobernador na papayagan ang sinumang gustong lumabas ng lalawigan pero makakabalik na lamang sila pagkatapos ng lockdown.
Kahit ang pagpunta sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa lalawigan ay bawal na muna.
Inihayag pa ng gobernador na iniutos niya sa mga local chief executives na mag-designate ng market places o groceries sa mga barangay.
Aminado si Governor Manotoc na mahirap ang sitwasyon pero hiniling ang kooperasyon ng publiko dahil para rin sa kapakanan ng lahat laban sa COVID-19.
Sa ngayon, tanging ang Ilocos Norte na lamang ang “COVID-19 free” sa buong Region 1.