-- Advertisements --
VIGAN CITY – Lubos na ikinagagalak ni Ilocos Sur Gov. Ryan Singson at ng mga residente ang isang buwang pananatiling COVID-19 free ng probinsya.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Singson, naging posible ang pananatiling corona virus free ng lalawigan dahil na rin sa kooperasyon ng mga tao sa pagsunod sa mga alituntunin ng gobyerno.
Aniya, hindi naging madali ang ginagawang pag-monitor sa mga suspected COVID-19 na patuloy na tumataas at bumababa ang mga bilang nito.
Sa ngayon mayroon na lamang 27 suspected coronavirus patients at 931 person under monitoring na naka-quarantine sa iba’t ibang pasilidad sa probinsya.