-- Advertisements --
VIGAN CITY – Inalerto na ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Sur ang lahat ng city at municipal disaster and risk reduction center kasunod ng pananalasa ng bagyong Ulysses.
Sa forecast ng Pagasa, nasa signal number 2 ang ikalawang distrito ng lalawigan at pinaalalahanan ni Gov. Ryan Singson ang mga nakatira sa mga mababang lugar at tabing dagat na gawin ang nararapat na pag-iingat.
Ayon kay Gov. Singson, tatlong araw bago ang bagyo ay nakapaghanda na ang PDRRMC upang tumulong sa mga taong maaring maapektuhan ng bagyo lalo na ang mga coastal muncipality at barangay kasama na ang upland municipalities.
Nakahanda na rin ang mga relief packs na ipapamahagi sakaling tumama ang malakas na bagyo sa lalawigan.