-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nabulabog ang media noche at Bagong Taon sa Iloilo kasunod ng nangyaring kambal na sunog.

Ang unang insidente ng sunog ay nangyari kagabi sa Pandan Leon, Iloilo kung saan natupok ang bahay na pagmamay-ari ni Monina Camarines.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PLt. Sammy Gasataya, hepe ng Leon Municipal sinabi nito na nagmula ang apoy sa napabayaang kandila sa bahay ni Camarines.

Ayon naman kay F/SInsp. Jesus Valenzuela, city fire marshall, isang old house ang nasunog kaninang umaga.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa nangyaring sunog.