ILOILO CITY- Nagpasa ng resolusyon ang Iloilo City Council kung san kanilang hinihiling sa Department of Education (DepEd) at Komisyon on Higher Education (CHED) na isuspend ang pagsuot ng school uniform sa lahat ng antes pribado at pampublikong paaralan sa Lungsod ng Iloilo.
Ang nasabing hakbang ay paraan upang maproteksyunan ang mga estudyante na makagat ng lamok sa nagdadala ng dengue virus.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Councilor Lyndon Acap na siyang author ng resolusyon no.2019-278, sinabi nito na sa halip na magsuot ng school uniform ang mga estudyante na magsuot ng jogging pants at long pants.
Ayon kay Acap, ang nasabing hakbang ay makakatulong upang mapigilan ang paglobo ng kaso ng dengue kung saan 10 na ang namatay at karamihan sa mga ito ay bata.