-- Advertisements --
ILOILO CITY – Dumagdag pa sa lalong tumataas na bilang ng mga biktima ng dengue hemorrhagic fever ang isang konsehal sa lungsod ng Iloilo.
Ito ay kinilalang si City Councilor Ely Estante.
Sa panayam ng Bombo Raydo Iloilo kay Estante, sinabi nito na tumungo siya sa ospital upang ipasuri ang mga rashes na tumubo sa kanyang katawan.
Matapos ang ilang eksaminasyon, lumabas na positibo ang opisyal sa dengue fever.
Napag-alaman na umabot na sa 618 na ang kaso ng dengue at pito ang patay sa siyudad.
Napag-alaman na isinailalim naman sa dengue outbreak ang Western Visayas na nangunguna na ngayon sa may pinakamaraming kaso ng dengue sa buong bansa na umabot na sa 15,746 kung saan umakyat na sa 87 ang namatay.