-- Advertisements --
ILOILO CITY – Dumipensa ang Iloilo City Government hinggil sa pamimigay umano ng mga Pfizer-BioNTech vaccine sa mga mayayamang residente ng lungsod.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Jeck Conlu, spokesperson ng COVID-19 Team ng Iloilo City Government, sinabi nito na very sensitive ang Pfizer-BioNTech vaccine kung saan kailangan itong maturok sa tao sa loob ng 12 oras matapos maalis sa freezer.
Ayon kay Conlu, may mga senior citizen na hindi sumipot sa araw mismo ng inoculation kung kaya’t ibinigay ito sa mga nasa A4 category.
Itoy ay kinabibilangan ng Private sector employees, empleyado ng gobyerno at mga informal sector workers.