-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umapila ang Iloilo City Government sa Inter-Agency Task Force na isailalim ang lungsod sa alert level 0.
Sa ilalim ng alert level 0, optional ang pagsuot ng face mask, wala ng work from home scheme at ibabalik na ang face-to-face classes.
sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod at mababa na rin ang average daily attack rate (ADAR) at healthcare utilization rate (HCUR).
Aniya, kung pahihintulutan ang National Capital Region na isailalim sa alert level 0, dapat na isailalim rin ang Iloilo City sa alert level 0.
Mataas na rin ayon sa alkalde ang vaccination rate ng lungsod sa mga 12- pataas maliban lamang sa mga kabataan na may edad na 5-11.