-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagbabala ang Iloilo City government sa Chinese pharmaceutical companies na nagsasagawa ng clinical trial sa lungsod na walang pahintulot.

Napag-alaman na dalawang Chinese brand ng COVID-19 vaccine ang ginamit sa mga participants kun saan binayaran ang mga ito ng P2,500 kapalit ng pagsasailalim sa clinical trial.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry TreƱas, sinabi nito na nararapat na makipag-ugnayan muna ang mga kumpanya sa City Epidemiology and Surveillance Unit bago magsagawa ng klinikal na pagsubok.

Layunin anya ng nasabing hakbang na makapagbigay agad ng tulong medikal ang lungsod sa mga respondents sakaling magpositibo ang mga ito sa COVID-19.