-- Advertisements --

Tiniyak ng Iloilo City Government na i-settle ang hospital expenses ng mga biktima matapos inararo ng isang water tanker truck sa Barangay Baldoza, La Paz, Iloilo City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nitong magbabayad rin ang local government unit para sa funeral expenses at pagpapalibing sa dalawang binawian ng buhay kasunod ng aksidente na nangyari Linggo ng gabi.

Kung balikan, kabilang sa halos 20 nasugatan dahil sa vehicular accident ay ang field reporter ng Bombo Radyo at ang imbestigador ng Traffic Enforcement Unit ng Iloilo City Police Office.

Napag-alaman sa separadong panayam ng Bombo Radyo na nag-rereklamo ang iilang pamilya ng mga pasyente na walang tulong mula sa city government.

Pahayag naman ni Mayor Treñas, maaring ngayong araw i-settle ang expenses dahil regular holiday kahapon at walang opisina.

Desidido rin ang pamilya ng iilang biktima na magsampa ng kaso laban kay Darryl Darwin Thulasidas, chief ng Urban Search and Rescue at personnel ng Iloilo City Disaster Risk Reduction and Management Office na siyang nag-drive ng water tanker.

Napag-alamang isina-ilalim pa sa hospital arrest ang naturang city government personnel dahil nasa “state of shock” pa umano ito pagkatapos ng insidente.