-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tuloy na ang pagsampa ng kaso ng Iloilo City government laban kay Land Transportation Office asst. to the regional director Engr. Arturo Apolinar.

engr apolinar

Ito ay kaugnay sa paglabag umano sa batas trapiko ni Apolinar sa Iloilo City at nagpahabol pa sa mga traffic enforcers.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na nakapagdesisyon na ang sangguniang panglunsod na bigyan ng kapangyarihan ang alkalde na magsampa ng kasong administratibo laban sa pasaway na opisyal.

Ayon kay Treñas, tinanggap niya ang paghingi ng paumanhin ni Apolinar pero hindi anya ito basehan upang magbago ang kanyang desisyon sa pagsampa ng kaso.