ILOILO CITY – Umaapela ang Iloilo City government ng approval sa National Inter-Agency Task Force (NIATF) upang isailalim ang lungsod ng Iloilo sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) hanggang Mayo 31.
Ito ay kasunod ng lumalalang kaso ng COVID-19 sa Iloilo City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang kanyang MECQ request ay dahil din sa reports na may mga hospital na hindi na makatanggap ng COVID-19 patients.
Simula anya noong Mayo 1, naging double digit na ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Iloilo at hindi na ito maituturing na normal.
Napag-alaman na ang MECQ ang pangalawa sa pinakamahigpit na quarantine classification sa Pilipinas.
Ayon kay Treñas, kapag maaprubahan ang nasabing classification status, ang mga indibidwal lamang na may ‘essential’ na pakay o gawain ang makakapasok sa lungsod nga Iloilo.