-- Advertisements --
Iloilo City, hiniling sa IATF na palawigin hanggang sa Hunyo ang MECQ status sa lungsod
ILOILO CITY – Palalawigin pa ng Iloilo City Government ang pagsailalim sa Iloilo City sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nila na hiniling nila sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na palawigin mula Hunyo 1 hanggang 15 ang MECQ status sa Iloilo City.
Napag-alaman na hangang sa Mayo 31 na lang sana ang pagsailalim sa lungsod sa MECQ.
Ang nasabing hakbang ayon sa alkalde ay upang mapigilan ang patuloy na paglobo ng COVID-19 cases sa Iloilo City.