-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang contact tracing matapos nakapagtala ang Iloilo City at Iloilo province ng pinakaunang kaso ng COVID-19 Delta variant.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na ang nasabing pasyente ay naitala sa Mandurriao.
Asymptomatic naman ang pasyente.
Samantala, binawian naman ng buhay ang pinakaunang pasyente ng Delta variant sa Cabatuan, Iloilo.
Ayon kay Mayor Ronilo Caspe, may kidney disease ang pasyente at nagkaroon ng komplikasyon.
Isang seafarer rin na tubong Barotac Nuevo, Iloilo ang nagpositibo sa Delta variant ngunit hindi naka-quarantine ito ngayon sa Laguna.